Saan ka man matangay ng iyong mga paa, lilihis ako at tatapak sa putik nang walang hanggan. Hindi ko mawari ang agos ng maiitim na sesami na dumulot ng dalawampung taong pagsisikap. Pagsisikap na bumunga ngunit sinira ni Haring Amihan bilang kaparusahan sa hindi matapos- tapos na pagtubo ng mga ngipin ng buwaya. Dakila ang mga taong umakbay at nakisayaw sayo suot-suot ang bestidang gawa sa mahoganny. Sabi ko, tastasin mo nang sa gayo'y mahubaran ang aking kaisipan na hindi tayo pinagtagpo sa pag- angat ng buhay. Narito ako, sumasangayon sa mabisa mong tanong, Dude, tigasan ka? Pareho tayong probinsyano ngunit hindi ko alam ang salitang Hiligaynon, hindi na mahalaga. Makikinig na lang ako sa pagtapos ng araw ng mga babaeng aso. Walang mukha, walang amoy-Escada at walang pagpapanggap, mabuti pa nga. Mahalaga ang mga imaheng aking nakikita tuwing Lunes ng gabi, nagbabakasakaling ikaw ang dahilan ng paghinto ng pagungol ng dibdib. Tiga San Juan ako, sabi ko, malapit sa pamilihan ng murang selepono. Dun ako bumibili para makatipid at maipagpatuloy ang bestidang iyong tinastas saka inamoy, aray ko! Kinakaya mo ba ang pagkakaiba ng Davao sa utot ng dyip dito sa Manila? Kinakalawang ang kaliwang mata ng mga taong hindi mahanap ang sarili. Naaawa ako pero hindi ba dapa't mas kaawaan ko ang aking sarili sapagkat malayo ang pagitan ng isip sa paa? Bawat segundo ay walang laman kumpara sa isang dekada pero masarap timplahin kasabay ng luhang nahuhulog paitaas. Sino ba ang sirenang yan? Buntis ba siya o mapagpanggap lang? Ilang ulit ko ba sasabihin na marami ng problema sa mundo, kaya wag na dagdagan pa ng pasista, tumalon tayo suot ang bakya, bagsak, hanggang maabot ang pagwawakas ng kalokohan. Isulat mo nga sa papel, " She sells semen by the seashore" ng sampung beses, at yayakapin kita tulad ng tuksong dinala ni Eba. Heto na naman, naglalakad, pipilay-pilay, hindi na kailangan pang lumihis dahil andiyan ka na. Talaga?

No comments:
Post a Comment